Pakikipagtalastasan at Apat na Paraan ng Pagpapahayag

PAKIKIPAGTALASTASAN AT ANG KAHALAGAHAN NITO SA BUHAY NG TAO

Ang pakikipagtalastasan sa madaling salita ay isa sa pinakamdaling paraan ng komunikasyon sa buong mundo na ginagamitan ng ibat ibang lengwahe. Ang pakikpagtalastasan ay isang sining kung saan tayo ay nakakapagpalawak ng ating mga kaalaman hingil sa isang bagay. Dito, tayo ay nagpapalitan nga opinion, kaalaman at kuro-kuro para sa ika-uunlad ng bawat isa. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Hindi lang tayo ang nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ito ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao nakakapagkomunikasyon sa iba. Ito rin ay may kahalagahang pampulitika upang malaman ng tao kung sino ka at kung karap-dapat ka o hindi. At panghuli, ito ay mahalga sa alinmang propesyon dahil pakikipagtalastasan ay paraa ng paghahatid ng isang punto ng isang propesyonal.

APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

1. Paglalahad

            Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang “bakit”. Ito ay may dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o katuturan, na pinapahaba ang ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal definition sa ingles na hango sa diksyunaryo. Sinasaklaw ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat, dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo. 

2. Paglalarawan

            Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang uri ng paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan. 

3. Pagsasalaysay

            Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kalian, at ano. May iba’t ibang uri ng pagsasalaysay tulad nga palatalambuhay, pangkasaysayan, nagpapaliwanang, mga pangyayari paglalakbay, alamat at saysayan, at maikling kuwento. 

4. Pangangatwiran

            Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili ar dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili. Ang pangangatwiran ay may dalawang uri: ito ay pangangatwirang pabuo (inductive reasoning) at pangangatwirang pasaklaw (deductive reasoning). Ang pangangatwirang pabuo ay nahahati sa tatlong bahagi: pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay.

PINAKAEPEKTIBO AT MABISANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

            Para sa akin, ang pinakamabisang paraan ng papapahayag ay ang paglalahad. Bakit? Ang pagapahayag ang siyang sumasaklaw ng malaking bahagi ng mga sumusulat at bumabasa. Itto ay nagpapaunawa ng diwang inilalahad o nais ipahatid ng sumusulat. Ito ang pinakakaraniwang ginagamit dahil nakikita ito sa pagbibigay katuturan, pagsunid sa panuto o pamamaraan, pangulong tudling o editroryal, sanaysay, balita, balita, tula, ulat at marami pang iba. Kaya’t wala talagang duda na ito ang pinakamabisang paraan ng pagpapahayag dahil ito ang pinakagamit ng karamihan sa mga tao. At ito ay madali lang gawin dahil may tatlo lang itong bahagi: ang simula, ang katawan o gitna, at ang wakas.

PAANO NAKATULONG ANG ASIGNATURANG ITO SA AKINAT MGA MUNGKAHI KO SA PAGKATUTO

            Malaking tulong sa akin ang asignaturang ito dahil nabigyan ako nang kaalaman sa kung paano ang mabisang pakikipagtalastasan sa iba. Ang asignaturang ito ang nagmulat sa aking mata kung paano matuto sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag bilang isang indibidwal. Sa mamagitan ng mga leksiyong ito, nalinang ang aking pag-iisip sa iba’t ibang aspeto ng pakikipagtalastasan at mga kahalagah nito sa atin, sa iba, sa lipunan at maging sa ibang bansa. Ito ay nagsilbing pangmulat ng aking mata sa kadahilanang marami pa akong hindi nalalaman ngunit sa pag-aaral ng asignaturang ito, maraming mga impormasyong ang pumasok at naitatak sa aking isip. Maraming Salamat po sa pagbabahagi ng inyong nalalaman sa amin.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                              Note: Ang mga nailagay dito ay galing sa iba't ibang resources tulad nk internet at aklat.Ang iba ay sarili kong reflection. Salamat :)





Comments

  1. Salamat po sa tulong..nawa'y pagpalain po ang website na ito..Matulungan din sana nito amg mga mag aaral na tulad ko:)

    ReplyDelete
  2. Salamata poh sa pahayag niyo dito

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat po, talagang nakatulong po ito saakin para maging basihan sa takdang aralin.

    ReplyDelete

Post a Comment