Skip to main content
Pakikipagtalastasan at Apat na Paraan ng Pagpapahayag
PAKIKIPAGTALASTASAN AT ANG KAHALAGAHAN NITO SA BUHAY NG TAO
Ang pakikipagtalastasan sa madaling salita ay isa sa
pinakamdaling paraan ng komunikasyon sa buong mundo na ginagamitan ng ibat
ibang lengwahe. Ang pakikpagtalastasan ay isang sining kung saan tayo ay
nakakapagpalawak ng ating mga kaalaman hingil sa isang bagay. Dito, tayo ay
nagpapalitan nga opinion, kaalaman at kuro-kuro para sa ika-uunlad ng bawat
isa. Mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang kanilang saloobin o
anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa
pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa
pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating
kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng
paggamit ng wika. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas
kundi maging sa mga ibang bansa rin. Hindi lang tayo ang nagkakaunawaan at nagkakaroon
ng madaling komunikasyon kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Ang wika
ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan Sagisag ng pambansang
pagkakakilanlan. Ito ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa
ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao nakakapagkomunikasyon
sa iba. Ito rin ay may kahalagahang pampulitika upang malaman ng tao kung sino
ka at kung karap-dapat ka o hindi. At panghuli, ito ay mahalga sa alinmang
propesyon dahil pakikipagtalastasan ay paraa ng paghahatid ng isang punto ng
isang propesyonal.
APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1.
Paglalahad
Ang paglalahad ay isang uri ng
pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang
“bakit”. Ito ay may dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o katuturan,
na pinapahaba ang ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang
uri ng paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal
definition sa ingles na hango sa diksyunaryo. Sinasaklaw ng paglalahad ang
pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat,
dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo.
2.
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang uri ng
pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian,
kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga
kauri nito. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang
uri ng paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan.
3.
Pagsasalaysay
Ang pagsasalaysay ay isang uri ng
pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na
pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kalian, at ano.
May iba’t ibang uri ng pagsasalaysay tulad nga palatalambuhay, pangkasaysayan,
nagpapaliwanang, mga pangyayari paglalakbay, alamat at saysayan, at maikling
kuwento.
4.
Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang uri ng
pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili ar dahilan ng mga bagay.
Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili. Ang pangangatwiran ay may dalawang
uri: ito ay pangangatwirang pabuo (inductive
reasoning) at pangangatwirang pasaklaw (deductive
reasoning). Ang pangangatwirang pabuo ay nahahati sa tatlong bahagi:
pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng mga
katibayan at pagpapatunay.
PINAKAEPEKTIBO
AT MABISANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
Para sa akin, ang pinakamabisang
paraan ng papapahayag ay ang paglalahad. Bakit? Ang pagapahayag ang siyang
sumasaklaw ng malaking bahagi ng mga sumusulat at bumabasa. Itto ay
nagpapaunawa ng diwang inilalahad o nais ipahatid ng sumusulat. Ito ang
pinakakaraniwang ginagamit dahil nakikita ito sa pagbibigay katuturan, pagsunid
sa panuto o pamamaraan, pangulong tudling o editroryal, sanaysay, balita,
balita, tula, ulat at marami pang iba. Kaya’t wala talagang duda na ito ang
pinakamabisang paraan ng pagpapahayag dahil ito ang pinakagamit ng karamihan sa
mga tao. At ito ay madali lang gawin dahil may tatlo lang itong bahagi: ang simula,
ang katawan o gitna, at ang wakas.
PAANO
NAKATULONG ANG ASIGNATURANG ITO SA AKINAT MGA
MUNGKAHI KO SA PAGKATUTO
Malaking tulong sa akin ang
asignaturang ito dahil nabigyan ako nang kaalaman sa kung paano ang mabisang
pakikipagtalastasan sa iba. Ang asignaturang ito ang nagmulat sa aking mata
kung paano matuto sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag bilang isang
indibidwal. Sa mamagitan ng mga leksiyong ito, nalinang ang aking pag-iisip sa
iba’t ibang aspeto ng pakikipagtalastasan at mga kahalagah nito sa atin, sa
iba, sa lipunan at maging sa ibang bansa. Ito ay nagsilbing pangmulat ng aking
mata sa kadahilanang marami pa akong hindi nalalaman ngunit sa pag-aaral ng
asignaturang ito, maraming mga impormasyong ang pumasok at naitatak sa aking
isip. Maraming Salamat po sa pagbabahagi ng inyong nalalaman sa amin. Note: Ang mga nailagay dito ay galing sa iba't ibang resources tulad nk internet at aklat.Ang iba ay sarili kong reflection. Salamat :)
Salamat po sa tulong..nawa'y pagpalain po ang website na ito..Matulungan din sana nito amg mga mag aaral na tulad ko:)
ReplyDeleteSalamata poh sa pahayag niyo dito
ReplyDeleteMaraming salamat po, talagang nakatulong po ito saakin para maging basihan sa takdang aralin.
ReplyDeletethanks
ReplyDeleteAno po ang Layunin nito?
ReplyDeletehakdog
ReplyDelete